top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Pagpatuktok (pointing) ay stress management lang


Ang pagpatuktok ay ang salitang inampon ng RB Sugbo Gamefowl Technology upang isalin sa Pilipino ang salitang Inglis na pointing. Ang ibig kasing sabihin ng mga Amerikano sa paggamit ng salitang pointing kung ang manok ang pagusapan ay “peaking.” Ang pagdala sa manok sa peak ng kakayahan. Ito ang hangad natin sa pagpatuktok, ang marating ng manok ang tugatog o tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa mismo oras ng laban. Ang pagpatuktok, ay isa sa mga aspeto ng pagkundisyon na pinagaralan natin ng husto. Ito ang huling yugto, kung magkamali tayo dito, maaring maging pinal na ito. Maaring wala nang panahon upang ituwid ano man ang pagkakamaling iyon.

Ayon sa nakasanayang katuturan o depinesyon, ang pagpatuktok ay ang pagpapahinga, pagkontrola ng tubig sa katawan ng manok at timbang, at carboloading. Sa atin, sa RB Sugbo Gamefowl Technology ang ating makabagong palagay ay na ang pagpatuktok ay simpleng stress management lang. Sa ating conditioning pyramid, ang pagpatuktok ay sa araw ng laban lang. Ngunit ang proseso ng stress management at energy priming any nagsimula ilang araw bago ang araw ng laban, na sakop sa tinatawag natin na peaking period.

Ang makabagong konseptong ito ng RB Sugbo ay nakasalalay sa prinsipyo na ang stress ay mitsa ng pag bugso ng adrenaline o ang tinatawag na adrenaline rush. Ang adrenaline ay isang hormone sa katawan. Ang pagbugso nito ay bahagi ng natural defense mechanism ng katawan sa gitna ng panganib. Sa panahon na gumagana ang adrenaline, ang tao o hayop ay mas matapang, malakas at mabilis kaysa pangkaraniwan. Tayo sa panahon na may sunog, halimbawa, ay mabubuhat natin ang mabigat na bagay. Kapag hinahabol tayo ng itak, ang tulin natin tumakbo. Ang mga sundalo pag nakarinig ng putok ay makararama ng nakaiibang katapangan. Paglipas naman ng adrenaline rush, ang pagkahapo ang papalit. Ito ang sanhi ng pagiging “off” ng manok. Kaya ang layunin sa pag pamamahala natin sa stress, ay hindi ang pagiwas nito, dahil sa sabungan, sa dami ng tao, ingay at nakakaaibang kapaligiran, hindi maiiwasan na makakaranas ng stress ang manok. Ang gusto natin ay ang itaon ang stress at pagbugso ng adrenaline sa panahon ng paglalaban. Hindi natin maiiwasan ang stress. Gamitin nalang natin.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page