top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Bakit ang Habagat ay pwede sa mesa, at pwedeng pwede sa ruweda?



Ang Habagat ay isang halimbawa lang. Marami ang nakagawa o gumagawa din ng ganito. Hindi ito mahirap gawin, kung ang gumagawa ay may kunting alam sa siyensya ng pagpapalahi o genetics, at may sapat at praktikal na karanasan sa pagmamanok.



Oo, ang Habagat ay manok na pangmesa na pwedeng pwede sa ruweda. Dahil ito ay sinadyang buuin para sa dalawang pangangailangan nayan.


Ang layunin sa pagbuo ng Habagat ay ang makatulong sa paggunita sa tradisyon. At, maging kunting ambag din sa food production. Ang Habagat ay isang adhikain. At, ang manok na Habagat ay isa lang halimbawa. Maaring marami ding iba ang gumagawa o gagawa ng katulad nito. Manok na pangmesa na pwede sa ruweda.


Noong araw ganyan naman. Ang manok na ating panlaban ay siya ring uri ng manok na ating panghapunan. Noong araw ang native chicken na sariling atin ay siyang hari ng pagalaan sa bukid. Walang masama kung gawin natin ito ngayon, gamit na ang mga makabagong pamamaraan na ating natutunan.


Ano ang manok na pwede sa mesa at pwede sa ruweda?


Anu-ano ang mga katangian dapat ng meat chicken? Una ang sarap. Dapat ay lasang manok. Hindi lasang bulak o cotton na may templa. Tapos ang meat texture. At may gamey flavor. Yong lasang native.


Anu-ano naman ang katangian ng panlaban na manok? Ang panlaban na manok ay dapat taglay ang mga katangian na makapagpapanalo nito sa gradas. Yong cutting ability, gameness, power, speed, and agility.


Samakatuwid ang manok na pwede pang mesa at pwedeng pang ruweda ay dapat taglay pareho ang katangian ng meat chicken at ng panlaban. Hindi na ito gaanong mahirap ngayon, kung ang gumagawa ay may kunting alam sa siyensya ng pagpapalahi at may sapat at praktikal na karanasan sa pagmamanok.

1 Kommentar


jeffengamefarm
jeffengamefarm
29. Mai 2023

sir nag bebenta ba kayu habagat lines

Gefällt mir
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page