top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Dapat ang mga katangian na maganda ay naitakda na sa linyada.


Ang kagalingan ng isang linyada o bloodline ay isang konkretong aspekto na taglay ng manok mula maghalo ang semelya ng ama at itlog ng ina. Ang linyada ang pundasyon ng ating pagpili.

Kaya pagdating naman sa pagpili ng palahiin una ay alamin kung ito’y nanggaling sa isang linyada na nagpapanalo.

Kaya ano ang magandang linyada?

Ang magandang linyada ay yong may mga katangitanging genes na nakatanim na sa kanilang genetic composition o sa kanilang “dugo.” Ang magandang linyada ay homozygous sa mga magagandang katangian.

Kapag homyzygous ang indibidwal para sa isang magandang katangian wala na itong ibang ibabato sa anak kundi ang genes para sa katangiang iyon. Magiging magandang tatyaw o inahin ang indibidwal na ito. Ito ang tinatawag na prepotency o kakayahan sa pagsalin ng mga katangian sa anak.

Ang pagpili ng tatyaw ay tulad lang ng pagpili ng panlaban. Kaya lang isipin din natin ang kakayahan ng indibidwal na nagustuhan natin na isalin sa anak ang magagandang katangian.

May mga manok kasi na makisig at magaling sa bitaw ngunit hindi ito homozygous o puro sa mga magagandang katangiang taglay niya. Pag ginawa itong tatyaw maaring magkataon na ang nakatagong recessive genes na hindi kanaisnais ang maibato nito sa anak.

Makakakuha tayo ng ideya sa pre-potency ng isang indibidwal kung alam natin kung paano ipinalabas ang indibidwal na ito. Itanong natin sa breeder.

Kundi may isa pang paraan. Tingnan kung ang ama at mga kapatid ng tatyaw o inahin na nagustuhan mo ay magkatulad ang kakayahan sa pakipaglaban.

Tingnan kung ang istilo sa pakipaglaban at hitsura ng mga kapatid ng tatyaw o inahin na napupusuan natin ay, higit kumulang, magkatulad at magkamukha.

Ito ay magpapatunay na ang mga katangiang nagustuhan natin ay naitakda na sa kanilang linyada at hindi tsambang lumabas sa isang indibidwal lang. Kung ang kagalingan nila ay naitakda na sa kanilang linyada malamang na malamang maibabato ito sa susunod na salinlahi o henerasyon. Kung tsamba lang lumabas sa isang indibidwal, ay patsamba rin kung lalabas ba ito sa susunod na henerasyon.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page