MANA: Programa Masa Gana;
Manok Mura Para sa Masa
Ang Programa Masa Gana ay programa ng Masang Nagmamanok (MANA), isang advocacy para makatulong sa maliit at karaniwang nag aalaga ng manok.
Si Kamana Rey Bajenting (also founder of RB Sugbo Gamefowl Technology) ang founder ng MANA na naitatag taon 2008 habang si Kamana Rey ay nagsusulat ng pitak sa isang national daily tabloid.
Ngayon ang MANA ay nasa online na nakipagugnayan sa mga karaniwang magmamanok.
Isa sa mga proyekto ngayon ng MANA ay ang Programa Masa Gana (PMG). Ang layunin ng PMG ay ang makapamahagi ng mga bloodlines na mahuhusay sa abot kayang halaga. Ang PMG ay ngayo’y nasa pangapat taon na.
Ang PMG ay namamahagi ng libreng kaalaman online pamamagitan ng group page sa FB; mga payo at tips; at saka namimigay sa mga membro ng e-books. Namamahagi din ang programa ng murang manok sa membro.
Paano magpamembro?
Ibigay inyong pangalan, address, edad at celfon number, email.
Magbigay lang ng P1,000 membership deposit.
Agad makatangap ng 3 libreng PDF file ng online books na kung bibilhin online ay nakakahalaga ng P250 bawat isa o P750 ang tatlo. At ang iyong P1,000 membership deposit ay pwede mo pang magamit sa pagbili ng murang manok galing sa programa. Fully deductible po sa inyong mababayaran ang P1,000 na membership deposit nyo.
Pwede din po kayong pumasok sa group page natin na MANA Masa Gana. Doon po tinatalakay natin ang mga kagananapan, mga pagaaral at kaalaman, atsaka kung ano pa ang gusto ninyong gawing mga programa.
Once member kana magabang lang sa mga special offers at murang manok na ipost natin dito at saka sa FB.
Members of Programa Masa Gana will enjoy privileges such as more free PDF-books; free technology transfer; discounts on game fowl and raffles.
If you decide to be a member and pay the P1,000 membership deposit (deductible to any purchase of game fowl under the program).
You may remit the amount by LBC, Or Western Union, or Lhuillier kwarta padala, etc to REYNALDO K. BAJENTING (complete name pls) address: Azienda Roma Talisay, Cebu. Tel 09177169860
Then provide us the exact amount remitted, tracking or mtcn number , name of sender and place where the remittance was made.
If you prefer a BDO account sir, you may use this: Queenie Sue m. Bajenting BDO SA1180078797.
FEATURED BOOK:
PAGPAPALAHI HINDI PARA SA MAYAYAMAN LANG.
Sa mga membro na interesado makatanggap ng free E-book just contact us upang mag message at ilagay alinge-book ang request nyo; ibigay ang inyong pangalan, at MIN. Ang mga hindi miembro, pwedeng mag order P250 lang bawat isa.
2014-2015 international BOTY,
A recipient of MANA’s program
Ang tagumpay ng isang karaniwang magmamanok tulad ng Barsur GF ay isang patunay na ang adhikain ng RB Sugbo at Masang Nagmamanok (MANA) Inc. na suportahan at itaguyod ang maliliit ay may basehan at patutunguhan.
Ang 2014-2015 Breeder of the Year awardee ng International Federation of Gamefowl Breeders Associations (FIGBA, formerly NFGB) at 2014 EVGBA Breeder of the Year din na si Jimmy Camposano at kapatid Rener ay isa sa mga unang nakatanggap ng starter set galing sa RB Sugbo at MANA noong taon 2011. Pagkatapos, si Jimmy kasama ang kaibigan at partner na si Lemuel Go ay nagaral sa RB Sugbo – MANA Pinoy Manok Academy sa Cebu noong Feb. 2012.
Noong 2014 sumalang sa unang pagkakataon ang Camposano Bros sa Eastern Visayas Gamefowl Breeders Association (EVGBA) stag circuit. Agad nakamit ng magkakapatid at ng team nila na Barsur ang Breeder of the Year Award sa nasabing asosasyon. Gamit nila ang mga RB Sugbo bloodlines na palahi nila. Sa taon din yong at gamit parin ang mga RB Sugbo bloodlines ay naka score ang Barsur, ng 10 panalo 2 talo sa Bakbakan National Stag Championship. Sinundan ito ng 9 na panalo at 1 talo sa BullangBullang National Bull Stag Championship na naging daan upang makamit nila ang FIGBA BOTY award.
Naulit ng Barsur ang kanilang 9-1 record sa 2016 BulangBullang. Hindi hamak ang mga labanan na nadaanan at napanalunan ng Barsur. Isa itong patunay na ang galing sa pagmamanok ay wala sa yaman o sa laki ng pusta kundi nasa pagsisikap at tugmang kaalaman. May mga iba pa na sumunod sa makamasang pamamaraan at prinsipyo ng RB Sugbo na naging matagumpay sa kanilang pagpapalahi at paglalaban. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay din ng mga programa ng RB Sugbo at MANA, at tagumpay din ng karaniwang sabungero na siyang tunay na gulugod ng industriya ng sabong.
REY BAJENTING (KALIWA) NG RB SUGBO GT AT JIMMY CAMPOSANO HAWAK ANG FIGBA BREEDER OF THE YEAR TROPHY.