Pakipagugnayan
Ang RB Sugbo at MANA ay patuloy na nagsusumikap upang ang maliliit na sabungero ay mabigyan ng pagkakataon.
Noong nakaraang taon tayo ay tumulong upang ang mga totoong Peruvian na galing sa mga tanyag na breeders sa Peru ay makarating dito sa Pinas. Sa taong ito 2017, ay nahikayat natin si Sr. Rafael Bazan, isa sa mga tanyag na breeders sa Peru na dalhin sa Pilipinas ang kanyasng mga foundation materials para dito na magpalahi upang maging mas abot kaya ang halaga ng totoong Peruvian. Biro mo, wala nang shipping cost from Peru to Philippines na aabot sa 1,500 bawat isa.
2016-2017 naman ay nagkaroon tayo ng partnership sa Vietnam-Cambodia.
Lumalakas ang sabong sa Vietnam at Cambodia, ngunit iba ang manok na kailangan nila. Malalaki ngunit gaff, hindi knife ang labanan. Ang American bloodlines na magagaling sa gaff ay kulang sa laki. Ang Peruvian ay Malaki ngunit hindi gaanong bagay sa gaff fighting. Pero ang Peruvian ay magagamit natin upang palakihin ang manok na ipadala natin sa Vietnam.
Konektado po ang ating ginawang pakipagugnayan sa mga kaibigan natin sa Peru at sa Vietnam.
Namamahagi na tayo ng Peruvian grades sa mga kamana natin. Baka makatulong din ang mga ito upang ang mga kamana natin ay makapagpalabas ng mga manok na bagay sa Vietnam at Cambodia.
Ang RB Sugbo ay nagsisimula napong mag export ng manok atsaka teknolohiya papuntang Vietnam. May mga tao na rin po tayong ipapadala roon. Kung tayo ay maging matagumpay, ang export market na ito ng RB Sugbo ay mapapakinabangan din ng mga kamana natin na magnanais.
Ang emerging market ng game fowl sa ibang lugar ay dapat mapakinabangan hindi lang ng mga malalaki at mayayaman kundi pati narin ng mga maliliit.
.
.
.
.
.