Bakit nagaaway-away?
Bakit maraming nagaaway-away tungkol sa usapin hinggil sa manok na Peruvian? Pati kung meron bang bloodline na Tuco ay pinag dedebatehan. May bloodline ba na Blakliz? Para sa mga kaibigan at nakakilala sakin, at maraming naka-acquire na ng Blakliz alam nila na mayroon. Pero yong nasa ibang lugar hindi nila alam. Kailangan pang ipakita ang aklat ni Dr. Bunan para maniwala sila na may bloodline nga na Blakliz.
Sabi ng isang tanyag na breeder: “Maige ipagpares ang roundhead atsaka hatch.” – Tama. Dahil ang nasa isip natin ay ang roundhead ay matalino at mabilis, ang hatch ay matapang at malakas.
Sabi naman ng isa pang breeder: “Depende kung anong roundhead at anong hatch, hindi lahat ng roundhead ay magkatulad, hindi rin lahat ng hatch magkatulad.” – Mas tama.
Mga kalituhan na ganito ay nangyayari dahil sa kakulangan ng tugmang definition or distinction in application sa mga terms na ginagamit natin sa sabong. O kaya’y sapat na documentation.
Hindi lahat ng roundhead ay magkatulad dahil wala namang qualifications bago matawag ang isang manok na roundhead, hatch, kelso, sweater, o anuman.
May nabasa ako sa FB sabi ng buyer bibili daw siya ng sisiw na Peruvian yong big breed. Sabi ng breeder, paano natin malaman big breed kung sisiw pa bibilhin mo. Tama ang breeder, paano nga malaman kung paglaki ng sisiw ay malaki nga ito. Pero baka ang ibig sabihin ng buyer sa big breed ay lahi na malalaki.
Kasi sa breeding, pag sinabi breed, dapat ang mga indibidwal na sakop nito ay magpapalabas ng mga katangian na common sa lahat ng membro ng breed na ito. Halimbawa ng isang big breed ay ang kabir. Pag pure kabir talagang mas malaki kay sa karaniwang manok.
Pero sa game fowl hindi ito ang pagkakaunawa natin. Satin hindi kailangan true-to-type ang ating mga manok. Basta ba nagpapanalo ang mga ito.
Ang akala nga ng karamihan sa atin ang roundhead, hatch, kelso at iba pa ay breeds. Hindi ito breeds. Mga strains ito, families, bloodlines or whatever ng isang common breed ng manok, ang American Game.
Ang Peruvian Navajero ay hindi breed. Ito ay tawag sa mga manok na linalaban sa Peru gamit na sandata ay navaja. Tingnan nyo di ba ibaiba ang hitsura ng Peruvian. Kaya magulo at nagaawayaway ang marami tungkol sa Peruvian ay dahil kulang tayo ng kaalaman hinggil dito. Ma-breeder man ng Peruvian o ma buyer.
Halimbawa ang salitang F1. Para sa ibang breeders ang F1 ay anak ng imported na pares, lalo nat yong puro daw. Pero sa mga nag breed ng baboy o kambing o commercial chickens ang F1 ay kalimitan anak ng dalawang magkaibang pure breeds. Ang F1 sa kanila ay kalimitan hybrid o cross bred. Pero parehong tama. Dahil sa totoo ang F1 ay Filial 1 or 1st generation offspring, ibig sabihin pala lahat ng manok ay F1. Oo, F1 ng kanilang mga magulang.
Walang manok na puro.—Tama.
May manok na puro—tama rin.
Parehong tama dahil depended kung anong uri ng pagkapuro ang pinaguusapan nila. Puro sa pangalan ng lahi, puro sa kulay ng balahibo, o puro sa hugis ng palong. Maraming manok ang puro sa mga ganyan, pati na sa iilang piling katangian, pero yong “mythical pure” ang wala. Kasi hindi nga yon madefine, kung anong puro ang hinahanap nila.
Pure hatch ba ito? Ano ang pure hatch? Kung ang tatay ay tawag ng mayari hatch at ang nanay naman ay hatch din ang tawag ng mayari, di pure hatch ang anak. Pero sa alin siya naging pure? Pure sa ipinangalan ng dalawang mayari, pero maari na sa hugis palang ng palong hindi na ito puro. Baka half pea comb at half straight comb ito. (Simple Ideas on Breeding That Work Ebook—P250. Free to members of Program Masa Gana ng MANA.)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.