top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

TOTOO BA NA SA INAHIN NAMAMANA ANG KATANGIAN NG STAGS?


Bakit naman daw po ganoon na sa inahin lang namamana ang katangian ng stag? Anu po daw ang paliwanag ng nagsabi? Sa pagmamanok marami pong mga ganito ganoon ang gawin, ganito, ganoon ang mangyayari pero wala pong paliwanag kung bakit.

Sa gamefowl breeding maraming observation na ang ganitong traits ay nakukuha sa ama or sa ina, ang problema karamihan ay hindi po nila sinusuportahan ng scientific explanation kung bakit. Siguro ilan sa mga observations na ito ay may katotohanan base sa siyensya, yong iba naman ay hakahaka lang. Ibat-ibang breeders ay may ibat-ibang obserbasyon, depende po sa karanasan o perception nila.

Dito po sa Online Manok Academy sinisikap natin na maipaliwanag na may basehan sa siyensya,

Hindi po yan totoo. Mali po yang sabi na sa inahin namamana ang katangian ng stag.

Kung genetics ang pagbasehan dapat ang ibatibang traits ay galing sa dalawang parents dahil each of the parents contribute ½ of the genetic composition of the off spring. Although, sa effect ay baka hindi talagang maging 50-50 dahil sa laws of inheritance, tulad halimbawa ang mga sex-influenced traits at ang dominant/recessive gene action. Samakatuwid po ay 50% ng genes ng mga anak, maging stag man o pullet, ay galing sa ama at 50% naman ay galing sa ina. Pero sa hitsura ay maaring may pabor sa ina may pabor sa ama dahil po sa genetic interactions.

Halimbawa po ay may mga sex-linked traits ng ina na lumalabas lang sa anak nito na lalaki at hindi kailanman sa anak nito na babae. Yan ang ilan sa mga pagkakataon na masabi natin na nakuha ng stag ang katangian ng ina at ng pullet ang katangian ng ama. Sa ganyan lang na instances, hindi sa lahat ng pagkakataon.

Ang sex-linked traits kasi ay maibato ng ina sa anak na lalaki at hindi maibato sa anak na babae kung dominant ang trait na ito, mamamana ito ng stag at hindi ng pullet. Lalabas na ang katangian ng ina ay nasa anak na lalaki at ang katangian ng ama ay nasa anak na babae. Halimbawa ang kulay na talisain. Ang talisain ay sex-linked atsaka dominant. Kung talisain ang inahin at pula ang brood cock, lahat ng anak na babae ay pula at lahat ng anak na lalaki ay talisain ang kulay (na may nakatagong pula, hindi puro).

Ganito kasi, ang talisain ay sex-linked. Kung ang ina ay talisain hindi nya ito maibato sa anak nya na babae. Pero maibato sa anak na lalaki. Ang ama naman na pula ay parehong maibato ang pula sa anak na lalaki at babae. Ngayon dahil hindi maibato ng ina sa anak na bababe, ang anak na babae ay walang kulay talisain. Ang taglay nito ay ang kulay pula lang na galing sa ama, so pula ang kulay ng mga pullets.

Ang stag naman dahil maibato ng ina ang kulay talisain at maibato ng ama ang kulay pula, parehong taglay ng stag ang dalawang kulay. Subalit dominant ang talisain sa pula kaya ang lalabas na kulay ay talisain (Balikan nyo po ang lessons natin dito a bout dominant/recessive alleles para mas maunawaan. Scroll down lang po sa page nato).

Mayroon ding katangian na galing sa ina na lumabas sa anak dahil dominant ito kaysa genes na naibato ng ama sa nasabing katangian. Halimbawa, kung ang ina ay pea comb ang ama ay straight comb. Ang lalabas na anak mababae man o malalaki ay pea comb. Hindi dahil na ang mga katangian ng anak ay manggagaling talaga sa ina, kundi dahil nagkataon na dominant ang pea comb kaysa straight comb. Kung nagkabaliktad pa ang katangian ng ama sana ang lumabas.

Ngayon, dahil sa kakulangan sa kaalaman sa laws of genetics, ang makaranas ng mga ganitong pangyayari ay sasabihin agad na sa ina nagmumula ang katangian ng stag at sa ama naman ang katangian ng pullet. O kaya lamang talaga sa katangian ay galing sa ina. Ituturo naman ito sa iba na walang paliwanag kung bakit. Tapos, tatanggapin naman ng iba kahit walang paliwanang kung bakit. So parang naging yon na ang batas ng pagmamana. Hindi pala.

Matagal nang ganyan. Ngunit ngayon may pagkakataon na tayong matoto ng tunay na pagpapalahi. Wag napo natin ibatay sa hakahaka kundi sa siyensya ang ating mga breeding theories and principles. Hindi na po mahirap kung may basehan na tayo sa siyensya at may praktikal na karanasan pa.

(True breeding is all about producing the gamefowl you want, and has nothing to do with gambling and winning in the derbies.

Breeding is very important, but good bloodline is not the sole factor that determines outcome of fights. There are many other factors such as conditioning, pointing, heeling, and luck. And these factors are outside the realm of breeding.)


.

.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page