top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

MGA KATANUNGAN SA ONLINE MANOK ACADEMY: SAAN NAMAMANA?


Tanong ni Edgar Llanto

Sir tanong ko lang po sa inahin ba namamana ang genotype gaya ng gameness,utak o ugali?..at sa tandang o tatyaw naman namamana ang phenotype gaya ng taas,laki ng katawan,hugis ng palong,kulay ng mata,balahibo at paa?

Tanong ni Marlon Tabinas Borrega

Sir Good evening po..may napanuod po akong isang Video na ngpapaliwanag tungkol sa Genotype at Phenotype...medyo naguluhan po kasi ako sa statement nung ngppaliwanag na Ang Genotype daw ay nkabase sa inahin at ang Phenotype ay sa Tandang....ibig sabhin lhat ng skills sa inahin makukuha itsura lmang sa tandang...tama po ba yun?

Tanong ni Jaffet D. Laura

Sir may tanong sana ako. Saan ba namamana ang gameness ng mga sisiw. Sa BH ba o sa BC?

Tanong ni Macoy Sandoval

sir diba po sa principle ng breeding phenotype comes sa tandang at sa genotype sa inahin,ibig sabihin po b di sa laht ng pagkakataon na susunod po yan dahil sa dominace ng blood ung nakapaloob sa linyada,o nangyayari lng po yan kung istablish n ung cock at hen n pagpapair natin pure o galing both side sa gene pool.

Sagot:

Ang mga katanungan po sa itaas ay napupunta sa tinatawag na traits emphasized in males and traits emphasized in females. Sa commercial chicken breeding ang mga companies ay nag se-select for specialized traits for each the males and females. Mas madali itong gawin sa commercial breeding kaysa gamefowl breeding dahil ang mga katangian sa pakipaglaban na pinakamahalaga sa gamefowl ay hindi po simple hereditary traits kundi polygenic and quantitative.

Sa gamefowl breeding marami napong observation na ang ganitong traits ay nakukuha sa ama or sa ina, ang problema karamihan ay hindi po nila sinusuportahan ng scientific explanation kung bakit. Siguro ilan sa mga observations na ito ay may katotohanan base sa siyensya, yong iba naman ay hakahaka lang. Ibat-ibang breeders ay may ibat-ibang obserbasyon, depende po sa karanasan o perception nila.

Kung genetics ang pagbasehan dapat ang ibatibang traits ay galing sa dalawang parents dahil each of the parents contribute ½ of the genetic composition of the off spring. Although, sa effect ay baka hindi talagang maging 50-50 dahil sa laws of inheritance, tulad halimbawa ang mga sex-influenced traits at ang dominant/recessive gene action.

Sa tanong ni Edgar Llanto kung sa inahin ba namamana ang genotype gaya ng gameness,utak o ugali?..at sa tandang o tatyaw naman namamana ang phenotype gaya ng taas,laki ng katawan,hugis ng palong,kulay ng mata,balahibo at paa; at ni Marlon Tabinas Borrega na may napanuod siyang isang video na nagpapaliwanag tungkol sa genotype at phenotype na ang genotype daw ay nakabase sa inahin at ang phenotype ay sa tandang....ibig sabihin lahat ng skills sa inahin makukuha itsura lamang sa tandang...tama po ba yun?

Ang sagot po natin ay ito:

Hindi po tayo maka comment ng wasto kung tama o mali ba ang nasa video dahil hindi natin narinig ang buong paliwanag.

Pero ganito po hindi po kami sangayon sa parang may nagpapalitaw na principles of breeding na ang phenotype comes from tandang at genotype from the hen. Linawin natin ng kunti, ang phenotype po ay ang genetic traits ng manok na nakikita. Ang genotype ay ang kabuoang genetic composition ng indibidwal ang nakikita pati na ang hindi nakikita. Ibig sabihin ang tandang at ang inahin ay parehong may phenotype at genotype. At pareho nilang maibabato ito sa mga anak. Hindi accurate na ang genotype ay sa inahin lang na nakabase at phenotype ay sa tandang dahil ang tandang at inahin ay parehong nagbabanto ng parte ng kanilang genotype. At hindi mo po mapaghiwalay ang phenotype sa genotype dahil ang phenotype ay parte ng genotype.

Kung emphasized traits ang pinaguusapan, may kunting katotohanan. Pero yong mga simple traits tulad ng hugis ng palong, kulay ng balahibo at paa ay hindi lang yan connected sa cock or hen side of the mating. Maaring mas konektado sa homozygous/heterozygous; dominant/recessive and sex-influenced action ang mga yan.

Yong mga polygenic at quantitative traits tulad ng pakipaglaban, taas, laki ng katawan at marami pang iba, ay may katotohanan under certain circumstances. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon. Ang factors na naglalaro po dito ay ang wild type traits atsaka ang mutations na gawain ng breeders at ang modes of inheritance.

Totoo pong may tinatawag na emphasized inheritance. Isa yan sa pinagaaralan natin sa RB Sugbo ang tinatawag na inheritance emphasized in male and emphasized in female. Ang mga katangian na mas dapat ilagay sa cock side at sa hen side. Subalit, base sa ating pagaaral, hindi naman po siguro ganyan ka simple kung saan namamana ang gameness at iba pang katangian sa pakipaglaban.

Tayo sa RBS ay may ideas at theories po tayo na may basehan sa siyensya, pero hindi parin ganyan ka simple. Napakaraming factors ang naglalaro dahil ang traits sa pakipaglaban ay hindi saklaw ng Mendilian genetics on laws of simple inheritance. Although we are gaining more insights along the line of deductive thinking, hindi parin ganyan ka simple.

Binabase po natin hindi sa hakahaka kundi sa siyensya ang ating mga breeding theories and principles at sinikap nating maging simple sa paliwanag natin sa RBS Wild Type Genetics na marami na ang nakabasa, pero hindi po ganyan ka straight forward na ang ganitong traits ay basta lang sa inahin manggagaling at ang ganito ay basta lang sa cock manggagaling. Marami pang dapat na isangalangalang. Pero hindi naman po mahirap kung may basehan na tayo sa siyensya at may praktikal na karanasan pa.

.

.

.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page