Dapat ang magandang katangian ay dominante
Ang kalikasan ay may kanyang paraan para ang ilang mga species ay mabuhay. Kaya, para sa angkop na uri ng hayop, alam ng kalikasan kung ano ang mga katangian na kinakailangan para sa kaligtasan. At ang mga ito ay dapat maipalabas nang madalas. Dapat mangingibabaw ang mga ito. Dapat ang wild type ay dominant, hindi recessive. (Ito rin ang sabi ng mga siyentipiko. Hindi lahat ng pagkakataon pero karamihan ng wild type ay dominant, ang mutant ay recessive.)
Kung dominante ang wild type lilitaw at lilitaw ito bawat henerasyon at patuloy ang pagunlad ng populasyon. Kung hindi lilitaw ang magagandang katangian dahil recessive mamatay ang marami at pakunti ng pakunti ang populasyon sa paglipas ng mga henerasyon.
Ito ang pamamaraan ng kalikasan na tinatawag na natural selection. Mamatay ang kulang sa kakayahan. Kaya dahil ang manok ay patuloy na nabubuhay, ibig sabihin ang wild type traits ng manok ay ayos pa. Kung ayos pa ang wild type ng manok at sapat pa upang maligtasan nila ang panganib sa kagubatan baka ang mga wild type traits na ito ay makatutulong din upang maligtasan nila ang mga panganib sa sabungan.
Upang matiyak ang kaligtasan ng isang populasyon, ang lohika ay tumutukoy sa dalawang kondisyon. Una, ang populasyon na ito ay nagtataglay ng mas mahusay na mga katangian na kinakailangan para sa patuloy na pag-iral ng kanilang populasyon. Ikalawa, na ang mga mas mahusay na mga katangian ay dapat na nangingibabaw o dominant. Dahil kung hindi dominant, ang mga mas mahusay na genes at mabigo na lumutang wala itong silbe at ang populasyon ay hindi maging angkop upang mabuhay. Ito ay untiunting mawawala o maging extinct.
.
.
.
.