RB Sugbo's Wild Type Genetics
MAARI BANG MAY KAUGNAYAN ANG IILANG KULAY NG BALAHIBO SA IILANG KATANGIAN SA PAKIPAGLABAN?
Bakit hindi? Kung tutuusin mas malapit ito sa katotohanan kaysa maghanap tayo ng kaugnayan pamamagitan ng buwan at kulay ng balahibo at paa ng manok atsaka iba pang pamahiin na walang kabase-basehan sa siyensya kahit man lang kunti.
Ang RBS Wild Type genetics ay may basehan sa siyensya. Alamin sa ADVANCED PAGMAMANOK. At alamin din kung bakit at paano ito mapakinabangan sa ating pagpalahi.
Wild type
Wild type ay ang mga katangiang karaniwang ng populasyon. Kung minsan ay may mga pagkakaiba-iba na lilitaw sa nasabing populasyon, ito ang mutations o ang pagiba.
Sa proseso ng natural selection ang mga hayop ay pinagkalooban ng likas na mga magagandang katangian upang patuloy na makaligtas at mabuhay sa kanilang kapaligiran. Karamihan sa mga wild type traits ay magaganda. Dahil kung ang wild type ng isang populasyon ay hindi maganda, ang populasyon na ito ay pakunti ng pakunti hanggang sa ito’y mawala.
Alam ng kalikasan na ang mga katangian na kinakailangan para sa kaligtasan ay dapat mapalabas ng madalas. Dapat mangingibabaw ang mga ito. Dapat ay dominant, hindi recessive.
Unang kundisyon dapat magandang katangian. Pangalawa dapat ito ay dominant upang lumabas at mapakinabangan. Itong mga wild type traits na ito na nakatulong sa kaligtasan ng manok sa wild ay maari ring makatulong sa kaligtasan nila sa ruweda.
Maaring ang iilan sa mga wild type traits na may kinalalaman sa survival ng manok sa wild ay may kaugnayan sa ibang wild type traits tulad ng kulay ng balahibo kulay ng paa, hugis ng palong at iba pa.
Sa loob na ng maraming taon ang RB Sugbo ay nagsaliksik sa wild type ng manok na nakatulong sa kanilang kaligtasan sa wild at alin dito ang maaring makatulong sa kagalingan sa pakipaglaban at kung may kaugnayan ang mga ito sa iilang phenotypic traits na wild type din.
Anuano ang mga ito at paano maisalin ang kaugnayan sa kahusayan ng manok sa pakipaglaban?
.
.
.
.
.