top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Paano malaman kung ang manok ay pre-potent?


Napakamahalaga sa pagpalahi ang magkaroon ng mga pre-potent individuals upang gamitin brood fowl. Ang mga pre-potent individuals ang ating mga seed fowl. Paano ba makilala ang pre-potent brood fowl?

Ang pagiging pre- potent ng isang indibidwal ay makikita sa anak. Oo pero dapat hindi lang basta sa isang anak kundi sa maraming mga anak at mas maige kung mga anak sa ibatbang kapares pa para malaman na ang good genes ay galing talaga sa bc or sa bh as the case might be, at hindi sa kapares.

Pero hindi lang pamamagitan sa pagtingin sa anak maka idea tayo kung prepotent ba ang isang indibidwal. Kung galing sa ating sariling linyada na hawak natin sa loob na ng mahabang panahon at may kunting alam tayo sa genetics, magkakaroon na tayo ng idea kung aling mga katangian prepotent ang manok kahit hindi pa ito nagkaanak. Oo dahil alam natin kung ano ang pinaglalagay natin sa genotype nito.

At may mga katangian na sa tingin palang ay malalaman na natin kung maging prepotent ba ang manok sa nasabing mga katangian. Ito ang mga simple heriditary traits. Hindi ang mga polygenic o mga quantitative traits.

Ang kunting kaalaman sa genetics ay talagang makakatulong sa ating pagpalahi. Dahil ang kaalaman sa genetics ay ang maging gabay natin sa ating mga pasya na patuloy na ginagawa sa ating pagpapalahi.Pamagitan ng kaalaman sa siyensya sa pagmamana ng mga katangian nabawasbawasan ang hit and miss or ang patsamba sa pagpalahi.

American game

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page