Breeding is genetics, not mathematics
Marami ang tanong na tulad nito: Maganda ba ng ¾ hatch atsaka ¼ roundhead? May mga sumasagot, pero para samin hindi po to masagot.
Una hindi po lahat ng hatch o lahat ng roundhead ay magkatulad ng characteristics. Pangalawa ang breeding ay genetics hindi mathematics.
Sa breeding po hindi po big sabihin na basta ¾ nito at ¼ noon ay maganda. Hindi po basta linebreeding back to the father: 1/2; 3/4; 7/8; 15/16 ay seed fowl na agad. Wala pong set formula for success in breeding. Sa mathematics po meron formula na kapag ganito ay ganito ang answer.
Sa breeding ay wala po.
Hindi rin dapat ibatay sa pangalan ng lahi ang pagpapares ng brood cock at inahin. Hindi basta hatch at claret ang pinapares mo ay magaling na ang resulta. Hindi' porke't may nagkampeon na gamit ang sweater x roundhead ang lahat na sweater x roundhead ay kasing galing.
The object of breeding is to fix traits. Not names nor numbers. Wala pong set formula sa breeding.
Kaya makatutulong ang kunting kaalaman sa genetics and lots of common sense. Sa pagpalahi ang dapat pag aralan ay hindi numero kundi ang laws of inheritance o genetics., ang pagaaral kung paano namamana ang mga katangian.
Mamangha kayo kung paano ang kunting kaalaman sa genetics ay makatutulong ng malaki sa inyong pagpapalahi.
.
.
.
.
.
.
.
..