top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Hindi breeder, nagpapalahi lang


May iba ibang uri ng nagpapalahi. May toroong breeder; may nagaaral upang maging totoong breeder, at ang pinakamarami ang hindi totoong breeder, basta nagpapalahi lang.

Oo ito ang nakapag-aalala, dahil sa katunayan ang karamihan sa mga nagpapalahi ay hindi alam kung ano ang ginagawa nila. Sa katunayan, ang mga ito ay mga indibidwal na walang alam tungkol sa pag-papalahi, at wala rin silang interest na magaral. Akala nila sapat na ang magpalahi upang matawag na breeder.

Hindi sila nag aaral, o nagbabasa o maghanap ang mga mabuting tagapayo. Sa halip ay sinusunod nila ang kanilang mga kaibigan, na sa karamihan ng mga kaso, nakasalalay sa "lumang kwento" at "mga pamahiin," at sa mga di-siyentipikong haka-haka.

Ang pinakasaklap pa ay nakatuon ang kanilang pansin sa mga sikat na nagmamanok dahil malalaki ang pusta. Para sa kanila kung ang nagmamanok ay hindi lumalaban sa mga big events wala na itong kwenta. Kaya sa halip na magaral dahil ang maliliit ay may pagasa namang gumaling, ang mga ito ay gustong pantayan ang kanilang ini-idolo pamagitan ng pag gasta ng malaki at kung maari pagpusta din ng malaki. Samantalang ang mga ito ay walang kinalalaman sa pagiging tunay na breeder.

Iba ang breeding, iba ang sugal. Sa breeding kailangan ang kaalaman. Samantalang ang pagsali sa big events pera lang ang kailangan. Pera upang makabili ng mamahaling manok na nanggaling sa mahusay na breeder at pera para makapusta ng malaki. Kung magawa mo ito, dol ka agad.

Ang totoong game fowl breeding ay hinggil sa kaalaman sa pagpalahi ng langkay ng manok panlaban na may sariling kakayahan, katangian at kaugalian at ang mga ito ay taglay ng halos lahat ng indibidwal na sakop ng linyada at mapapasa din sa susunod na mga henerasyon.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page