Inbreeding: Para sa mga talagang breeders
Wag matakot mag inbreeding, yon kung alam mo ang iyong ginagawa dahil ikaw ay isang tunay na breeder, hindi lang basta nagpapalahi. Ang tunay na breeder ay nag i-inbreeding dahil ito ang paraan upang makabuo ang breeder ng sarili niyang linyada.
Ang inbreeding ay mahirap para sa mga baguhan o yong nagpapalahi na hindi talaga breeders. Basta nagpapalahi lang. Pero walang dapat ikatakot sa inbreeding kung alam mo lang ang iyong ginagawa.
Sa wild hindi maiwasan ang inbreeding. Halimbawa ang isang flock ng wild chickens ay may iisang king rooster lang. Ang tandang na ito ay nagpapalahi sa lahat ng hens na kasama niya, pati na ang kanyang ina, lola, mga tiyahin, kapatid, anak, pamangkin. Lahat ay inbreeding pero bakit nag survive ang manok sa wild? Dahil may proseso na tinatawag na natural selection. Pinipili ng nature ang mga indibidwal na itira upang mkanak ng katulad nila at maipatuloy ang survival of their species.
Ganoon din po sa captive breeding na siyang ginagawa natin. May selection process din po tayo na tinatawag na artificial selection. Kung ikaw ay mag i-inbred maaring malaking porsyento ng mga anak ay average lang. May iilan na super bulok, may iilan na super galing. Kasi ang inbreeding ay nagpapalitaw ng both the best and worst in a bloodline. Kung alam mo ang iyong ginagawa hindi mo gagamitin ang mga average, lalo na ang super bulok. Ang gagamitin mong breeders para sa sunod na henerasyon ay yong mga super galing lang. Kalaunan pagaling ng pagaling ang iyong palahi.
Isa po sa prinsipyo ng RB Sugbo sa pagpapalahi ay na dapat ang current generation is better than the previous. The next generation will be better than the current. Progressive breeding po. Magagawa ito pamamagitan ng inbreeding.
Ang natural at artificial selection ay may magkatulad na layunin—ang mapagaling, mapatibay at mapaigting ang mga katangian ng hayop upang magpatuloy ang survival nito.
Ang problema kasi ng maraming nagpapalahi ay hanap ng pure kuno at pinapalahi ang mga ito. Balik sa ama, balik sa ina. Nagbibilang ng numero. ½. ¾. 7/8, 15/16 etc. Maganda ang diagram at drawing, pero kung hindi tama ang selection process lamang ito sa kabiguan.
Paalala po. Ang breeding ay genetics, hindi mathematics. Sa genetics hindi po sa lahat ng pagkakataon ang 1 plus 1 equals 2. Selection is the key. And also a little knowledge in genetics and lots of common sense.
.
.
.
.