top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Inbreeding depression

Bakit tayo takot sa inbreeding? Dahil daw ang resulta ay mga maliliit, duwag, bulok dahil daw sa inbreeding depression. Oo maaring mangyari nga. Pero hindi yan sa lahat na pagkakataon ay mangyayari. Sa bagay nayan malaki po ang kinalalaman ng kakayahan ng breeder sa pagpili. Hindi lang yan dahil sa inbreeding depression. Takot tayo sa isang bagay dahil hindi natin ito lubos naiintendehan.

Ang inbreeding depression ay mangyayari kung magkataon na ang mga masasamang genes ay magsamasama sa isang indibidwal. Paano ito maiiwasan? Good selection lang.

Kung mangyari man ang ating kinatakutan yan ay dahil sa poor selection. A series of poor selection ay hahantong sa mga masasamang katangian, sa halip na magaganda ang ma fix sa iyong linyada. Ito ay maaring mangyayari na hindi sinasadya.

Halimbawa kung ang isang breeder ay sobra ang hilig sa manok na malakas pumalo baka sa bawat henerasyon ang ginagamit nya na palahi ay pawang malalakas. Ngayon karamihan sa malalakas ay malalaki din atsaka medyo mabagal. Ang mangyayari ay lalakas nga ang palo ng kanyang linyada pero baka sobra naman ang laki o kaya maging mabagal na.

Wag matakot sa inbreeding depression. Kasi kung may inbreeding depression mayroon din namang out-crossing depression. Bakit sa cross breeding ba ay hindi mangyayari na parehong masamang recessive genes ang magsama? Ang mahalaga ay magbantay at magingat sa selection.

Ang delikado lang talaga sa inbreeding ay kung ang mga masasamang genes na sanay nagpapatibay at nagpapalakas sa kalusugan ng manok ang magkasamasama. Dahil sa umpisa hindi ito maiiwasan pamamagitan ng good selection.

Ito ang totoong inbreeding depression. Maapektahan na ang health, fertility, hatching at iba pang bagay na may kinalalaman sa health and reproduction. Pero pag mag-manifest na ito sa unang pagkakataon, mababantayan ito at iwasan agad ang paggamit ng mga materyales na makikitaan ng mga senyales na ito.

Ang mga ganitong kunting kaalaman sa genetics ay makakatulong sa isang nagpapalahi. Pero maari ring wag nalang mag aral ng genetics bili nalang ng bili ng materials na mahal at galing sa isang magaling na breeder. Mas marami ang bili nalang ng bili kaysa talagangg nagpapalahi. Kaya kunti lang talaga ang tunay na breeders.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page