BA’T PA MAGTYAGA SA NATIVE CHICKEN KUNG HINDI UPANG ITAGUYOD ANG SARILING ATIN?
Sa iba’t-ibang lugar ng mundo marami pang native chicken. Ngunit ang kilalang kilala at mabentang mabenta ngayon ay ang mga factory o commercial type chickens. Dahil dito kumikita ng husto ang nagaalaga o farmers. Walang kita sa native chicken.
Pero kamakailan ay may panibagong interest sa native chicken breeds. Una dahil mas nagbibigay na ng importansya ang tao ngayon sa ating kalusugan. Mas siksik sa nutrisyon ang native chicken. Pangalawa, binibigyan narin natin ng pansin ang kalagayan ng ating mga hayop. Ang pinaka-makatao na pagalaga ng manok ay ang free ranging. At ang pinaka angkop sa free range na sestema ay ang ibat-ibang native chicken.
Pero ano nga ba ang native chicken. Para samin ang native chicken ay ang tunay na manok. Ito ay native sa isang lugar. Ang mga factory chickens tulad ng mga broilers ay hindi native ng alin mang lugar kundi produkto ng maraming chicken factories sa ibat-ibang lugar ng mundo.
Hindi lang yan. Ang native chicken ay dapat mukhang manok. Hindi naiba ang hitsura. Hindi tulad ng mga commercial meat chickens na parang bola na may balahibo. Ang native chicken ay lasang chicken talaga. Masarap at maalinamnam. Ang factory chicken ay naku, alam nyo na. Ang native chicken ay marunong makipaglaban, ang mga factory chickens hindi. Sa maikling salita, ang native chicken ay manok na hindi iniba ang hitsura, gawa at gamit.
Pero ba’t pa sila magtyaga sa native chicken?
Ang mga nagaalaga ng chicken for meat ay mga negosyante o kaya naghahanap ng dagdag pagkakitaan. Bakit sila magtiis sa lugi? Kaya ngayon sa pagalaan nila ay mga foreign meat type chicken na ang nagsisiksikan.
Ang mga nagaalaga ng gamefowl karamihan sugarol o kaya nagbebenta din. Ba’t sila magtyaga sa native na mayroon namang American na magaling kung ilaban, mabenta kung ibenta?
Tayo sa RBS, dahil tayo’y may adhikain at naiibang layunin, magtyatyaga tayo upang mapaunlad ang native chicken.
At, dahil nagmamanok (gamefowl) naman talaga tayo, at nais nating makatulong sa mga farmers, kaya pinagsama natin ang dalawang aspeto, ang meat at ang fighting.
Sino nga ba ang makapagsasabi, baka maibalik natin ang native chicken bilang hari ng free range. Atsaka kabilang sa labanan sa sabungan.
Maari kaming pagtawanan, ngunit:
‘We try to measure up to our own goals, not against anybody else’s standards.’
.
.
.
.
.