top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Don't leave luck to chance


Don’t leave luck to chance.’ This is the slogan of RB Sugbo ever since. It is, for almost two decades now. However, it doesn’t mean we don’t believe in luck.

Alright, believe in luck, but, don't just leave luck to chance. You may find luck or, at the very least, be prepared to open the door when luck comes knocking in, no matter how softly.

Yes there is luck in cockfighting, but it is not everything in cockfighting.

'Don't leave luck to chance.' po ang slogan natin sa RB Sugbo. Tayo’y naniniwala na may buwenas may malas pero wag magantay lang sa buwenas, hanapin natin at magsumikap para mas lamang ang buwenas kaysa malas.

Sa sabong dapat sana 50-50 ang chances. Dahil 1 vs 1 ang ratio. Kaya mahirap ka makapanalo ng 66.666% sa sabong o 2 is to 1 ratio. Yong nagsasabi na 80% o 90% panalo nila either nagyabang or hindi naglista. Selective memory. Or kaya kunti palang ang laban na pinaguusapan. Dahil kung dalawang laban lang ang pagusapan madali lang mag 100% dahil dalawang laban lang ang ipanalo mo. Pero kung 100 laban napakahirap manalo ng 66 times.

Subalit totoo na may mga bloodlines o tao na nananalo ng more than 50% of the times. Ang isang bloodline para pumasa sa standard natin sa RBS ay dapat nagpapanalo ng 60% of the times. samakatuwid kung may mga bloodlines o tao na nananalo ng more than 50% of the times may mga natatalo naman ng more than 50% of the times. Bakit ganoon, na kung luck lang ang pagusapan dapat ay 50-50 sana. So may ibang factors sa sabong aside from luck. Yan ang hanapin natin.

Siguro kung kunan natin ang average sa lahat ng laban sa bawat araw, ay about or talagang malapit sa 50-50. Pero may mga super galing na manok o tao na nagpapanalo ng 66% may magagaling na nagpapanalo ng 60% may average na nagpapanalo ng 50% may bulok naman na 40% lang ang panalo and so on and so forth.

Kaya magsumikap tayo na doon makasama sa upper 50% hindi sa lower dahil nagaantay lang kung kailan lapitan ng swerte. Paano kung mahanap at mahuli na ng iba ang swerte sa di pa makalapit sa iyo?

Tiyak may mga katwiran bakit may nagpapanalo ng lampas 50% mayroon naming hindi umaabot ng 50% ang kanilang panalo. Hindi lang yan dahil may tao na buwenas at may tao na malas. May mga katwiran sa likod ng lahat.

Kaya nga ikaw ay namimili ng manok na makisig at magaling, bumibili ng mamahaling pakain at suplemento at minsan ay nangangaliskis pa. Dahil naghahanap ka ng bwenas.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page