Paano ang paggawa ng seed fowl?
Ang pagawa ng seed fowl sa isang pamilya o intra family creation of seed fowl ay ang paggawa ng seed fowl gamit exclusively mga membro ng isang pamilya. Kasi pwede kang gumawa ng seed fowl na hindi magkamaganak ang gamit mong ama at ina. Pwede ito basta parehong taglay ng dalawa ang katangian na gusto mo.
Isa lang ito sa maraming pamamaraan sa paggawa ng seed fowl o seed stock.
Ano naman ang seed fowl? Nasa PDF book po natin na Simple of Ideas of Breeding That Work yan. Ang manok, whether inbreed or not, whether or not pure sa pangalan ng lahi, basta pure or heavy sa desired trait ay seed fowl sa trait nayon.
Halimbawa ang pure straight comb kahit ito ay kelso x grey pa ay seed fowl sa katangiang st comb kasi siguradong ibabato nya ito sa anak nya dahil pure siya nito, walang ibang halo.
Kung sa pakipaglaban, halimbawa bilis, wala sigurong pure mabilis, pero may heavy sa genes na mabilis kaya mataas ang tsansa na magbato ito ng genes para mabilis kaya seed fowl ito sa katangiang mabilis.
Imposible sigurong gumawa ng seed fowl sa lahat ng magagaling na katangian pero pwede kang gumawa ng seed fowl sa iilang katangian, halimbawa cut, gameness, power, or utak, speed, bilis, etc.
Ano naman ang line breeding? Ang line breeding ay hindi lang ang pagbalik ng anak sa ama, para ¾ tapos balik na naman ang apo na anak rin para 7/8 so on and so forth. Ang line breeding ay yong nag breed ka towards a favored or paborito mong indibidwal. Maaring magkapatid sa ama, o mag pinsan,o uncle niece basta parehong may taglay na substantial percentage ng dugo ng favored individual.
Ang malimit kong ginagawa kung mag intra family creation of seed fowl ay ang line breeding. May favoured individual talaga ako. Sa case ng aking pamilyang Perubliz giro may isang giro na ngayon ay nasa Vietnam na naging sentro ng line breeding.
Ang ginagawa ko una bro-sis ko sa kapatid niya. Tapos ang anak binalik ko sa kanya. Pero meron din siyang pamangkin na anak ng ibang kapatid nya na binalik ko rin sa kanya. Tapos sa mga anak may cousin-cousin mating akong ginawa na parehong may taglay na ¾ dugo niya.
Ngayon kahit wala na ang nasabing Giro, may kamaganak na siya na mas magaling pa sa kanya. Doon ko naman sa kamaganak na ito itutok ang line breeding ko. Mataas na ang dugo sa orihinal na paborito ko, patataasin ko pa ang dugo ng bagong paborito ko by line breeding again towards this new favored individual.
So naka line breeding ako kahit hindi gamit yong pamamaraang kabisado ng lahat-- yong series of back to father mating. Taliwas sa pagkakaalam ng marami, ang back to father ay hindi nagiisang uri ng line breeding method. Maraming paraan sa pag line breeding.
Ngayon bakit ko ito ginagawa ang lahat? Upang ang mga magagandang katangiang ng favored or paborito kung indibidwal ay pabalikbalik na maipasok sa bawat henerasyon. Samakatuwid maging pa-heavy ng pa-heavy ang concentration ng mga genes na ito sa ating linyada. Makakagawa tayo ng seed fowl sa mga katangiang ito atsaka papuro ng papuro pa ang ating inbred na pamilya o linyada.
.
.
.
.
.