top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Pagpili ng Brood cock

  • Jul 7, 2017
  • 2 min read

Iba-iba ang mga pamamaraan sa pagpili ng brood cock. Kanya-kanya din ng gusto.

Isang paraan ay ang pagpili ng brood cock batay sa performance ng mga anak nito. Ito ay tinatawag na selection based on progeny testing. Mayron ding tinatawag na selection based on pedigree. Binabatay naman natin sa pit performance ng mga ninuno nito.

Mayroon namang selection based on the traits of the individual brood cock. Halimbawa guapo ito o magaling sa pakikipaglaban o kaya’y multi time winner ito.

Kung ma-apply natin ang tatlong batayan, pinakamabuti. Pero karamihan sa pagkakataon ay ang selection based on the traits of the individual lang ang available sa atin. Ang pedigree o progeny kasi ay mahirap alamin ang katotohanan. Unless we are really privy to the records of the bloodline, we have to rely on the word of the breeder when it comes to pedigree or progeny testing. (although most breeders who have stayed long in the game are relatively honest, otherwise he could not have survived the market for some time.)

Ang pagpili ng brood cock batay sa katangian nito ay katulad din sa pagpili ng panlaban. Tingnan ang ganda, ang balanse, ang lakad, ang paggalawgalaw nito. Ako personally, sa pagtingin ko sa isang manok ay parang may aura akong mararamdaman sa isang mahusay na manok. Tapos ay ibitaw natin upang makita ang galing nito sa pakikipaglaban. At ibitaw din natin ang mga full brothers nito. Bakit?

Dahil kung lahat sa mga magkakapatid ay taglay din ang katangian ng ating nagustuhan, ibig sabihin ang mga katangiang ito ay naka tanim sa genotype ng kanilang linyada at madali itong ibato sa kanilang mga anak.

Kung ang mga kapatid ay hindi kasing husay ng iyong nagustuhan, malamang na ang galing ng iyong nagustuhan ay tsambang namana lang or out of some favorable genetic twists, at maaring ang mga ito ay hindi maibato sa mga anak.

.

.

.

.

.

.

 
 
 

Comments


Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

Don't leave

luck to chance.

    bottom of page