top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Wag sobrang batak sa manok


Hindi natin kalian man matuturuan ang manok kung paano lumaban. Hindi matuturuan ang manok na dapat ay umangat siya o mag-abang o kayay paluin ang kalaban kaagad pagdating sa ibaba.

Ang galing at tikas ay nasa dugo wala sa training o sa gamot. Ang mga ito ay likas na nasa manok dahil ang mga ito ay nasa genes at wala sa training. Ang magagawa lang natin ay ang panatilihin o kaya’y bahagyang paigtingin ang mga kakayahang ito.

May mga sabungero na sa hangarin na maging “super” ang kanilang mga panabong ay binabatak ito ng husto sa training. Ang iba naman ay binibigyan ng steroids, hormones, stimulants at kung anu-anong uri ng artipisyal na conditioning aids.

Subalit ang napag-alaman ko galling sa mga master cockers ay walang uri ng training o droga na makakapagpagaling sa isang mahinang manok. Sa halip, ang sobrang training at pagbigay ng droga ay maaari pang makasama sa isang sana ay magaling na manok.

Sa mahabang panahon ng aking pagmamanok, pagmamasid, pag-aaral, at pagtatanung-tanong, ay may nabuo akong prinsipyo sa paghahanda ng manok.

Sa palagay ko hindi dapat batakin ang manok . Simpleng ehersisyo at simpleng pakain ay sapat na basta husto at sapat ang abilidad at kalidad ng manok.

Sa madaling araw ay nagpapailaw ako. Dalawa o tatlong beses isang lingo ay pinapalakad ko ang mga manok at sinasampi. Pagkatapos ay inilalagay ko sa scratch box bago balik sa cord.

Bandang tanghali ay inilalagay ko sa fly pens o conditioning pens. Pag hindi na mainit ay binabalik ko na ang mga ito sa cord.

Maliban lang kung may espesyal na pangangailangan, ganito lang kasimple ang aking pag-eersisyo sa manok.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page