top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Pamamaraan ng praktikal na breeder: Hayaan ang manok pumili ng kapareha


Controlled natural selection mating. (Paala-ala: Ang sistemang ito ay praktikal hindi tuluran. Para sa mga seryosong breeders hindi ito dapat dahil iisa lang ang dapat-- ang single mating. Ginagawa natin ito sa RB Sugbo bilang experemento para mapakinabangan ng mga maliit na magpapalahi na hindi kaya tustusan ang tuluran na sitwasyon na siya lang tinuturo ng iba. Hinding-hindi naming ito ginagawa para sa pagpalabas ng mga brood fowl at mga 1st class na panlaban namin. Pero sa totoo nasubukan na naming ilaban ang mga palabas ng sistemang ito, at hindi naman lugi sa panalo.)

Sa ilang, kung saan ang mga manok labuyo ay pagalagala lang, malayang mamili ang mga inahin at tandang kung sino ang nais nilang makapareha. Ito ang tinatawag na natural selection. Sa palahian kontrolado ng nagpapalahi ang pagparespares ng tatyaw at inahin. Ito ang tinatawag na controlled selection mating. Ang nasa isip natin na mas alam ng tao ang dapat gawin. Ngunit may mga bagay pa rin na di natin lubos maunawaan.

Sa yarda kung hahayaan natin ang tatyaw na di nakatali mapupuna natin na may paborito siyang inahin na hinahabol o kinakasama palage.

Ang isang inahin naman kung pagagalain sa cord area kung saan maraming tandang ang nakatali, ito ay mamimili ng iilan sa mga tandang kung saan sa mga ito lang siya paulitulit nagpapakasta. Ang kalikasan kasi ay may sariling pamamaraan upang manatiling buhay ang mga sarisaring hayop. Alam ng hayop kung aling kapareha ang dapat upang mas malaki ang tsansa ng kanilang anak na mabuhay. Sa ilang at sa kalikasan “survival of the fit” kasi. Ang matalino, malakas, matapang at mabilis ang may pinakamalaking pagasa na manatiling buhay.

Ang mga katangian ng hayop na magbibigay sa kanila ng malaking tsansa na mabuhay sa kalikasan, ay ang mga katangian din na kailangan ng manok sa labanan sa sabungan. Kaya, ba’t di natin bigyan ng pagkakataon ang katangian ng tatyaw at inahin na pumili ng kapareha?

Ito ang nagudyok sa atin na subukan ang tinatawag natin na controlled natural selection.

Sa isang malaking yarda ay naglalagay tayo ng tatlo hanggang limang tatyaw. Nakatali ito ng mahahaba at malayo sa isat isa kaya malawaklawak ang teritoryo ng bawat isa. Sinasamahan natin ng 15 hanggang 25 ka inahin sa ratio na limang inahin sa bawat tatyaw. Natural selection na rin ito dahil makakapili ang mga inahin kung sa aling tatyaw sila lumapit at magpakasta. Ang mga tatyaw naman ay makakapili sa mga inahin na lumalapit sa kanila. Kalaunan mapupuna natin na may isang tatyaw na marami ang lumalapit na inahin. May tatyaw naman na kukunti lang. Dito lang ay makaideya na tayo kung alin sa mga tatyaw ang may mas magandang semelya.

Upang maging kontrolado pa rin natin ang pagpapalahi, ang ginagawa natin ay lahat ng tatyaw ay kabilang sa isang linyada, samantalang ang mga inahin ay kabilang sa ibang linyada. Kalimitan ang mga tatyaw ay magkakapatid. Sa mga inahin marami ang magkakapatid. Ang iba ay pinsan, o tiyahin o ina ng ilan basta ang genetic composition ay magkatulad. Dapat hindi magkamaganak ang mga tatyaw at mga inahin upang maiwasan ang inbreeding. Sa ganitong paraan, alin mang tatyaw ang makakasta sa aling inahin ang mga anak ay magkatulad pa rin ang genetic composition.

Sa istriktong salita o mahigpit na pagtupad sa batas ng tularan na pagpapalahi hindi ito dapat. Isa lang ang dapat. Ang single mating lang. Pero para sa praktikal na manlalahi na gustong magparami ng isang subok na cross, ang sistemang ito ay sapat na.

May bentahe pa. Dahil siguro sa natural instinct ng manok na pumili ng kapareha, sa karanasan ng RB Sugbo mas mataas ang survival rate na mga sisiw na pinalabas pamamagitan ng ganitong pamaraan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page