top of page

REY K. BAJENTING

Rey Bajenting is a professional roosterman, having been a handler, conditioner in his younger days, he is now a breeder.

He is also a writer. He had been a newspaperman, PR practitioner and Public Affairs Consultant. He had worked as Legislative Staff Chief in Congress, Consultant to the Governor of Cebu, and Executive Assistant at the |Office of the Executive Secretary in Malacanang.

Simpleng programa para sa agarang pagpalabas ng magaling na panlaban


Maikseng Programa sa praktikal na pagpapalahi.

1. Humanap ng magaling na tatyaw. Humanap ng inahin na magaling ang ama. Mas mainam kung ang hitsura at istilo ng tatyaw at ng ama ng inahin ay hindi magkalayo upang maiwasan na maging halohalo o ang tinatawag natin na chopsuey.

2. Ipagpares ang magaling na tatyaw na ito at ang inahin na magaling ang ama. Piliian ang mga anak. Ilaban ang mga anak na lalaki. Iligpit ang mga piniling anak na babae upang gawing brood hens.

3. Sa sunod na pagkakataon, (kung naging mainam ang resulta ng laban ng mga palahi mo na nailaban) maghanap ng bagong magaling na tatyaw at ipagpares sa mga babae na palabas mo. Pilian na naman ang mga anak. Ilaban ang mga lalaki at iligpit ang mga piling babae para sila na naman ang gawing brood hens.

4. Ipagpatuloy ang ganito sa mga susunod na pagkakataon. Walang in breeding, panay upgrading. Pwedeng sa ibat-ibang breeder natin kunin ang tatyaw na ipasok tuwina na tayo ay kukuha na bagong tatyaw. Pwede rin na sa isang breeder lang para makatulong siya sa pagpasya kung anong tatyaw ang dapat. Kung tayo ay nagsisimula palang magpalahi o kaya kulang sa panahon para personal na tutukan ang pagpapalakad ng iyong palahian mas mainam na sa isang breeder lang kumuha ng tatyaw tuwina.

Sa RB Sugbo ay matagal na naming ginagawa ito sa pagpalabas ng battle crosses, at mas mahalaga, sa paggawa ng aming mga breeding materials. Dahil marami narin kaming linyada, o pamilya bawat linyada, hindi na kailangang panay ang kuha namin sa ibang breeders. Kalimitan intra atsaka inter family selection nalang sa aming sariling mga linyada ang aming ginagawa.

Dahil matagaltagal na naming itong ginagawa ang mga katangiang hanap ay naka-locked na at nakatanim na talaga sa kabikabilang linyada.

Ito ay nagugat sa tyoriya na ang galing sa pakipaglaban ay sa ina namamana. Kung totoo ang tyoriyang ito, napakamahalaga ang mga pullets at inahin na anak ng isang napakamagaling na tatyaw.

May mga batikang manlalahi kasi na nagsasabi na ang kagalingan ng manok sa pakipaglaban ay nakukuha sa ina. Batay daw sa kanilang mga karanasan ang fighting style ay pinapasa ng inahin sa anak nito na lalake at nang tatyaw sa anak nito na babae. Samakatuwid, ang anak na babae ng magaling na tatyaw ang siyang may taglay sa mga magagandang katangian ng ama. At ang mga anak na babae naman ang magtatapon sa mga katangiang ito sa kanilang mga anak na lalaki.

Narinig at nabasa natin ito sa mga nagpapalahi hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos. Kaya baka nga may katotohanan. Ito ang tinatawag na criss-cross inheritance na sanhi ng tinatawag na generation skip kung saan ang katangian ng isang tatyaw ay hindi sa anak na lalaki lumalabas kung di sa apo na anak ng anak nito na babae.

May scientific explanation naman ito. May tinatawag na sex-linked genes. Ang sex-linked genes ay mga katangian na maibabato lang ng ina sa mga anak na lalaki at ng ama sa mga anak na babae. Ang mga batikang manlalahi ay palaging nakabantay sa mga katangian na nakikitaan nila ng pagka sex-linked.

Halimbawa kung kulay ng balahibo ang sex-linked, ay agad makilala ng breeder alin sa mga sisiw ang lalaki alin ang babae. Pwede agad ihiwalay at maka menos gastos na. Swerte kung galing sa pakipaglaban na ang maging sex-linked. Dahil malalaman ng breeder kung sa isang linyada alin ang gagamitin, ang tatyaw ba o ang inahin sa bawat henerasyon.

Kaya para sating mga nagpapalahi, napakamahalaga ang mga anak na babae ng ating kampeon na tatyaw. Wag agad i-cull kahit pa ang mga ito’y crosses at baka nagka sex linked ang galing nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Cebu, Philippines

bottom of page