Pamamaraan sa pagpapalahi para sa mga baguhan
Ang pinakamahalagang sa pagpapalahi ng manok ay ang genetic composition. Tinatayang 80% ng impluwensya sa performance ng manok ay ang genes component o ang mga katangiang taglay sa dugo, samantalang ang environmental components o pagpapalaki ay 20%. Kung masama na ang genetic make-up ng manok wala na tayong magagawa upang ito’y pagalingin.
Breeding, “the combination and fixing of high quality genes in specific breeds, varieties and strains involve consistent scientific and skillful breeding practices. It is highly technical skilled job which requires persistent continuous efforts for long-time.” (Farhan Ahsan, Poultry Guide)
Kaya ang palaging payo ay doon kumuha ng mga materyales at panlaban sa taong may alam talaga sa breeding and genetics. Kung may alam sa genetics ang breeder mataas ang tsansa na ang kanyang mga palahi ay “stable” sa mga piling katangian at hindi patsambatsamba lang.
Ang sumusunod ay dalawang popular na uri ng pag sourcing ng materyales upang maiwasan ang inbreeding:
Out and Out Breeding. Ito ay ang pagkuha ng materyales galing sa ibat ibang breeder. Halimbawa sa unang taon ay kumuha ka ng materyales galing kay breeder A. Sa susunod na taon kay breeder B ka naman kukuha at I-cross mo sa linyada na galing kay Breeder A. Sa susunod na taon kay Breeder C ka na naman kukuha.
Kung magagaling ang mga nakuha mong materyales okey lang ang sistemang ito. Ang problema lang ay baka hindi compatible ang mga linyadang nakuha mo dahil galing sa ibat ibang breeders na maaring ibatibang katangian ang gustong ipalabas.
Ang pangalawa ay flock sourcing. Tulad ng out and out breeding kukuha ka nang bagong materyales bawat taon, ngunit sa flock sourcing isang breeder lang ang kukunan mo at saka alam niya na ilalagay mo ito sa mga naunang materyales na nakuha mo sa kanya. Samakatuwid alam ng breeder kung anong linyada o pamilya ang compatible sa nauna mong nakuha sa kanya. Ito ang pinakamaigeng paraan para sa mga baguhan habang sila ay nagaaral pa sa pagpapalahi.
Sa flock sourcing ang baguhan ay makapakinabang sa kaalaman ng master breeder na kinunan nya ng materyales.
In flock sourcing “you stick with one source for the roosters—presumably a master breeder of the breed. The advantage of this system is improvement of traits over time, relying on the efforts of the master breeder, and the retention of known good qualities.” (Don Schrider)
.
.
.
.
.
.
.