top of page

The backyard Keep


Ang Backyard Keep o Boy Scout keep ay isang pamamaraan kung saan ang isang manok ay laging handa. Bagay ito sa tulad nating mga karaniwang sabungero. Mga sabungero na malimit sa hack fights lang lumalaban. Di sila pumupusta ng malaki. Sa katunayan di nila alam kung kailan sila magkaroon ng pamusta at nang mailaban ang kanilang mga manok. Kaya kailangan talagang ang manok ay laging handa at puwedeng ilban ano mang oras na kakayanin na nang bulsa.

Ang mayayaman ay laging handa ang mga bulsa kaya wait na lang sila kung kailan handa ang manok. Tayo naman dapat laging handa ang manok at wait tayo kailan handa ang bulsa.

Una sa lahat, purgahin ang mga manok at paliguan ng anti-mite shampoo. At saka tingnan kung di ba sobrang bigat o payat ang mga manok. Kapag ayos lang, samakatuwid ay handa na sila isabak sa ating backyard keep.

Dahil ang backyard keep ay maari ring matawag na common man’s keep, ito ay matipid sa pera, sa panahon, at sa lugar. Kaya natin itong gawin kahit nag-iisa. Ang kakailanganin lang ay ang cord o talian na hindi aabot sa P30 ang halaga; 3x3 folding wire pen na mabibili sa halagang P400; kulungan na suguro'y gagasta ka ng P200 bawat isa; at maliit na sulok sa iyong bakuran na mai-ilawan kung saan pwede mong pakainin at bahagyang i-exercise ang manok kung gabi. Dahil hindi naman tayo mapera at walang sapat na lugar hindi na tayo gagasta pa para sa conditioning at running pens, flying pen, pointing pen, scratch box, training table at iba pa.

Ang pagkain naman natin ay karaniwang grain concentrate at pigeon pellets lang o kaya’y yong maintenance or pe-con pellets lang. (Example ginagamit ng RB Sugbo ay GF 3k at PPS ng Popular Feedmill Corporation maker of Warhawk Game Cock Series feeds) Siguruhin lang na ang pigeon o maintenance pellets ay may mataas na crude protein contents o mataas ang porsyento ng protina. (18%). Kung ang isang kilo nito ay hahaluan natin ng isang kilo ring concentrate magkakaruon na tayo ng pagkain na may 15-16% protein, tulad ng mga pre-mix maintenance feeds na mabibili sa mga agrivet supplies.

Dahil walang tiyak na schedule ang laban ng ating manok, dapat ay ito ay isang boy scout, laging handa. Mas mainam na sa kulungan lang ito patulugin sa gabi upang hindi mabasa kung umulan at mahirap pa nakawin. Ilabas ito kina-umagahan mga bandang alas singko ng umaga at ilagay sa talian.

Bandang alas-sais ikahig ito ng dalawa o tatlong minuto. Kung ikaw lang mag-isa at wala kang katulong sa pagkahig doon mo na lang ikahig sa isang manok na nakatali. Yung hindi pa ilalaban o isang reject o baldado na. Pagkatapos ay ilagay mo sa 3x3 na may lamang tuyong dahon ng saging. Bigyan ng iilang pirasong cracked corn at pabayaang mag scratch ng 10 o 15 minuto. Pagkatapos ay ibalik ito sa cord.

Pakainin alas-siyete at huwag kalimutang bigyan ng tubig. Pabayaan lang sa talian hanggang tanghali. Kung ikaw ay may pasok siguruhin na palaging may masisilungan ang manok sakaling uminit o umulan. At ihabilin sa iyong asawa o anak o sino man ang maiiwan sa bahay na tingnan at siguruhin na walang aksidenteng mangyayari sa manok.

Mas mainam kung ikaw ay makakauwi sa tanghali. Pag-uwi mo sa tanghali hilamusan agad ang manok at ilagay sa 3x3 na may tuyong dahon ng saging at bigyan ng kaunting pakain at hayaang kumahig habang ikaw ay nananghalian. Kung ako, doon ako kakain sa harapan mismo ng manok. Hindi lang na mas gaganahan akong kumain pag may manok na nakikita, mapagmamasdan ko pa ng husto ang kondisyon ni tinali. Pagkatapos ay ibalik sa cord at doon na sya buong maghapon.

Pagdating mo sa hapon pakainin agad ang manok. Kung ang uwi mo ay palaging maaga at may araw pa duon nalang pakainin sa cord. Pagkatapos hayaan mo sa talian. Pag itoy humapon na ibalik sa lupa at hayaang humapon uli. Ulit-ulitin ng apat o limang beses ang pagbaba sa gayon ay mapilitan itong lumipad at humapon uli pabalik at ma-ehersisyo ng husto. Para narin itong nasa fly pens. Pagkatapos hayaan mo nang humapon at magpahinga ng mga 30 minuto o isang oras bago ipasok sa kulungan.

Ganito lang ang gagawin mula Lunes hanggang Biyernes. Tuwing Sabado ipahinga mo na si manok matapos ang pananghalian. Ilagay mo na sa kulungan buong hapon at ilabas mo sandali sa oras ng kanyang pagkain sa hapon. Sa Linggo, ilabas mo ito at ilagay sa cord mga alas-sais ng umaga. Pakainin mo alas-siyete at paglipas ng 30 minuto ibalik sa kulungan. Handa na si manok kung sakaling ilalaban mo mo sa araw na ito. Kung hindi mo mailalaban dahil kulang ang pamusta mo o kaya natalo ka sa ibang manok, ibitaw o ispar mo itong bandang alas-tres o alas-kwatro ng hapon.


BOY SCOUT KEEP; LAGING HANDA---The original article, written for the common sabungero, was published in Llamado Magazine many years ago and republished several times in various columns, blogs and other publications. Thus, it preceded a feed advertisement adopting the same theme, and therefore, should not be taken as endorsement of said advertisement.

The Backyard Keep is a more complete updated version of the same theme. The E-book "The Backyard Keep" is available free to members of Suregain Club. Members may ask for their copy through Contact Us then provied their name and MIN and state the title of the E-book requested.

Not yet a member Be a Member.

Premium Bloodlines
Click images below for details

What will be the standards

of the fighting rooster

of the future?

 

The Peruvian is getting popular in the Philippines. It is a different kind of rooster. It is much bigger, much taller, much stronger, although not necessarily better than the American Game fowl.

 

Definitely the Peruvian game fowl will change the standards of the future. In some instances it will tremendously improve the present bloodlines. On the other hand it could also ruin many good bloodlines of today.

 

The Peruvian has a couple of good traits vital to winning Long Knife fights. But it also has more bad traits. Finding out which are good and which are bad is the challenge.

 

We think just enough Peruvian blood is good. Too much Peruvian blood is bad.

 

We are trying to balance it out. Check out the PERUBLIZ.

 

 

Recent Posts
Archive
bottom of page