Pagpili ng manok na magaling sa pakipaglaban
Mga Batayan sa Pagpili From the booklet Manwal ng MANA sa Pagpili at Pagkundisyon Cutting ability Killing is the name of the game. Kaya ang pinakamahalagang katangian ng manok sa pakikipaglaban ay ang kakayahan nitong pumatay. Kagalingan sa pagpaa. Cutting ability sa Inglis. Ang kagalingan sa pagpaa ay matitiyak lang sa panahon ng tunay na laban sa sabungan. Kahit ang mga dalubhasa ay hindi makapagsalita ng tapos kung sa bitaw lang ibatay ang pagpahalaga sa kagalingan sa kating. Tapang, tibay at lakas Tapang, tibay at lakas. Ang mga itoy kinakailangan ng manok upang manatili sa laban hanggang sa kahulihulihang sandali. Tapang ay kailangan upang magpatuloy ang manok sa pakipaglaban kahit malubha nang sugatan. Tibay ay upang makatayo, makalapit pa sa kalaban at makapalo kahit malubha na ang tama. At, lakas para maari pang makapalo ng may sapat na lakas na makapatay sa kalaban. Kailangan magkasama ang tatlong kakayahang ito. Aanhin ang tibay at lakas kung aayaw na ang manok. Aanhin naman ang tapang at lakas kung walang tibay at lugmok o lupaypay kaagad ang manok sa unang tama pa lang. Bale wala naman ang tapang at tibay kung walang sapat na lakas ang palo ng manok upang makapatay o makasugat man lang ng malubha sa kalaban. Kailangan magkasama ang tatlong ito, upang ang manok ay may kakayahang manatili sa laban hanggang sa kahulihulihang sandali, at maaring pang makabalik kahit malubha na ang tama. Utak, liksi at bilis Kung ang manok ay matalino, malalaman nito ang dapat gawing sa bawat sitwasyon. Alam nito kung bagay bang pumalo, o mag-abang muna. Dapat bang umangat o umilag. O kaya’y umatras o umabante. Ang liksi ang magbibigay paraan upang magawa ng manok ang nararapat at ninanais nitong gawin. Iutos man ng utak na dapat umangat o pumalo, hindi ito magagawa ng manok kung itoy walang sapat na liksi. Halimbawa dahil matalino ang manok ay alam nito na sa partikular na sitwasyon kailangan niyang umangat. Ngunit kung kulang ito sa liksi upang gawin ang pag angat, hindi ito makakaangat. Bilis ang kinakailangan upang magawa ng manok ang dapat gawin bago ito maunahan ng kalaban. Gustuhin man ng utak ang umangat, may sapat naman sanang liksi ang manok na gawin ito, ngunit kung kulang sa bilis maaring patamaan na ito ng kalaban bago makaangat.
The E-book Manwal sa Pagpili at Pagkundisyon is free to members of MANA Suregain Club. Just contact us state your name and MIN and ask for your free PDF file.
Not yet a member? Be a member now.
Hard copy of Manwal sa Pagpili at Pagkundisyon is available for P400 free delivery by LBC. Just contact us and state your order. Or text 0917 716 9860.