Free E-book Manwal sa Pagpapalahi, Now available.
Sa pagpapalahi pinakamalaki ang angat ng mayayaman sa mga pangkaraniwang sabungero. Sa ibang aspeto ng sabong tulad ng pagpili, pagtari, at paglaban maaring makapantay pa tayo sa mga mayayaman, ngunit hindi sa pagpapalahi. Ang pagpapalahi ay nangangailangan ng malaking puhunan sa pagbili ng pangasta, lupain, at maging panahon. Sa pagbili ng pangasta ay hindi sapat ang isa, dalawa, o tatlong trio upang makasiguro na maganda ang iyong maipalabas na palahi. Dahil nga walang tiyak sa pagpapalahi. May elemento ng patsamba, tulad ng lotariya. Kaya tulad ng lotariya, mas maraming tiket ang iyong mabili, mas malaki ang pagkakataon na manalo.
Ang malawak na lupain ay kailangan upang mabigyan ang manok ng karapatdapat na kapaligiran na angkop sa kanilang pangangailangan. Alam nating na hindi basta-basta ang mahalaga ng lupain ngayon.
Kaya sa pagpapalahi, malaki talaga ang lamang ng mayayaman sa mga ordinaryong tulad natin. Pero huwag natin itong gawing hadlang sa ating pagnanais na matikman ang kasiyahan ng isang manlalahi. Ang kasiyahan na maidudulot ng pagpapalahi ay dahil na masasabi natin na nakagawa tayo ng buhay na indibidwal na sarili nating nilikha.
Upang bigyan naman ng gabay ang ating mga kapwa pangkaraniwang sabungero sapagpapalahi tayo ay naglalabas ng Manwal ng MANA sa Praktikal na Pagpapalahi. Alinsunod ito sa layunin ng RB Sugbo Gamefowl Technology, at ang Masang Nagmamanok o MANA, na makatulong sa mga komon sabungero. Dahil tayo’y may karapatang matuwa at masiyahan sa lahat ng aspeto ng sabong na gusto nating pasukin. At, ang pagpapalahi ng manok panabong, big-time man o backyard, ay maaring mapagkakitaan.
Now available. Manwal sa Praktikal na Pagpapalahi free to members of Suregain Club. Members, just contact us, state the title of the book, your name and MIN. Not a member? Be a member.
.