top of page

Alin ang pinakamagaling na manok?


Alin ang pinakamahusayng laro ng manok? Ang angat? Ang agresibo at mabilis? O ang malakas sa lupa? Alin ba talaga ang pinakamagaling na manok?


Bawat isa satin ay may kanya-kanyang hilig na istilo ng pakipaglaban ng isang manok. Malamang na ang ating pasya ay naimpluwensyahan ng ating mga kaibigan at mga malimit na kasama sa pagsasabong.

Maari ring sa tagal ng ating pagpapasyal-pasyal sa sabungan at panonuod ng laban ay makakabuo tayo ng sariling batayan.


Halimbawa, karamihan sa mga baguhan ay mahilig sa manok na agresibo at mabilis. Yung mga matagal-tagal na sa larong ito ay gusto naman ang angat at abang.


Mahirap mang masabi kung alin talaga ang pinakamagaling, may mga katangian na dapat nating hanapin sa manok maging ito ma’y agresibo, o maingat, o ano mang uri ang laro nito.


Ang pinakamahalagang katangian ay “cutting ability”. Dahil kailangan ng manok natin na patayin ang kalaban, dapat ito ay magaling pumatay. Dapat ang palo ng manok ay malakas, malayo ang naaabot, at may diin.


Pangalawa, dapat ang manok ay mautak. Ibig sabihin alam nito kung ano ang dapat gawin sa sitwasyon. Alam nito kung dapat bang umangat o umilag; pumalo o mag-abang.


Kailangan din ang manok ay maliksi, kasi sa labanan, kailangan ang liksi upang magawa ng manok ang nais niyang gawin. Umangat man o umilag, lumipad ng mataas o pumalo ng mabilis – lahat ng ito ay hindi magagawa ng maayos kung walang liksi ang manok.


Ang isa pang mahalagang katangian ay ang tinatawag na “gameness”. Ito ang tapang, tibay at lakas. Ang tapang, tibay at lakas ay kailangan upang ang manok ay tumagal sa laban at maari pang pumalo kahit malubha ang sugat o malapit na mamatay.


Ito ang mga mahalagang katangian na dapat nating hanapin sa manok. Kilalanin at pag-aralan natin ang mga ito. Kung makita na natin ang mga ito sa isang manok, ang manok na iyon ay magaling, kahit ano paman ang istilo nito sa pakipaglaban.


Katangian ang hanapin sa isang manok, hindi istilo. Ang pagiging angat ay istilo ng pakipaglaban ngunit may angat na magaling may angat na bulok.


Read about “Pagpili” in the E-book “Manwal sa Pagpili at Pagkundisyon” Free to members of Suregain Club. Members just contact us state the title of the E-book, your name and MIN.


Not yet a member? You’re missing a lot. Be a member.


.


Premium Bloodlines
Click images below for details

What will be the standards

of the fighting rooster

of the future?

 

The Peruvian is getting popular in the Philippines. It is a different kind of rooster. It is much bigger, much taller, much stronger, although not necessarily better than the American Game fowl.

 

Definitely the Peruvian game fowl will change the standards of the future. In some instances it will tremendously improve the present bloodlines. On the other hand it could also ruin many good bloodlines of today.

 

The Peruvian has a couple of good traits vital to winning Long Knife fights. But it also has more bad traits. Finding out which are good and which are bad is the challenge.

 

We think just enough Peruvian blood is good. Too much Peruvian blood is bad.

 

We are trying to balance it out. Check out the PERUBLIZ.

 

 

Recent Posts
Archive
bottom of page