top of page

Pangontra sa malas

Tanong: Kamana, Malas namin kahapon. 2 manok namin ang mga kalaban parehong halos mamatay nalang naka 3-point shot pa. Ano kaya ang mabisang panlaban sa malas.

Sagot: Talagang ganyan, yan po ang tinatawag na breaks of the game. May pagkakataon talaga na sa laki ng katawan ng manok sa paa na may tari o kaya sa mata matatamaan ang manok natin.

Bad luck. Malas lang. Ito ang mga katagang malimit nating mabigkas tuwing tayo'y natatalo. Ngunit talagang malas lang ba? O baka naman may dahilan kung bakit tayo minalas.

Baka, kako'y, ang salitang malas ay angkop lang na pagdadahilan natin upang takpan ang ating pagkukulang. Baka kulang tayo sa pagsisikap? Baka kulang tayo sa kaalaman? O baka, sa ano mang kadahilanan ay kinapos ang manok natin.

Sa RB Sugbo Gamefowl Technology ay may kasabihan tayo na “Dont leave luck to chance”. Ibig po natin sabihin ay huwag ipaubaya ang suwerte sa pagkakataon. Hindi tayo basta lang maghihintay ng suwerte. Magsumikap tayo upang tayo'y maging maswerte.

Kadalasan ang tinatawag natin na “lucky punch” o “3-point shot” ay hindi lang dahil buwenas ang kalaban at malas tayo. Malimit ang lucky punch na nakapatay sa manok natin ay bunga ng matalinong pagpapalaki, angkop na pagpapalahi, at mahusay na pagkukundisyon.

Oo, naniniwala po tayo na mayroon talagang buwenas at malas. Lalo na't halos pantay ang pagtutunggali. Ngunit huwag po natin itong gawing dahilan upang di na tayo magsikap.

“In a combat between equals, luck may make the difference”. Ngunit sisikapin po natin na, at least, equal tayo sa ating katunggali. Kaaaman at pagsisikap ang mabisang pankontra sa malas.

May kasabihan na ang buwenas ay malapit sa mahusay na magmamanok. Siguro dahil ang kagalingan ay malimit nauuwi sa panalo. At sa sabong ang bilang ng panalo ang batayan ng tagumpay.

Kaya palagi tayong magsumikap upang makamit ang magandang performance ng ating mga manok at malamang kasunod ay mga panalo. Kung ganito, aangat ang bahagdan ng ating panalo at masasabi na tayo'y maswerte na sabungero.

Kailangan dito ay consistent high level of performance. Ibig sabihin ay hindi patsamba ang mga panalo natin. Palagiin natin ang mataas na antas ng kagalingan ng ating mga panlaban.

Upang magawa ito dapat tayo ay may wastong batayan sa kaledad at abilidad ng manok na ating ilalaban. Kailangan marunong tayong pumili ng manok panlaban.

Pangalawa, dapat ay may sapat tayong kaalaman sa pag-aalaga at pagpapakain ng manok panabong, at ayos ang lugar natin at angkop ang kapaligiran sa gusto ng manok. Mahalaga rin na ang mga tauhan natin ay mga dalubhasa sa kani-kanilang gawain. Higit sa lahat sila'y mapagmahal sa manok.

Sikapin nating ihanda ng maige ang ating panlaban at laging tandaan na sasabak lang tayo kung handa ang ating manok.

Sa ganitong paraan, magiging maamo sa atin ang swerte. Ang mga maliliit na bagay pag pinag-ipon-ipon ay magiging malaki at mahirap nang tabunan ng malas.

Ang sabong ay buwenas at malas lang daw. Samakatuwid iwasan natin ang malas upang buwenas na lang ang matira. Samakatuwid, huwag tayong basta lang maghintay ng swerte. Sikapin nating maging maswerte.

Dito sa Suregain Club ang mga membro ay makakahingi ng discounts sa mga produkto; matototo ng mga kaalaman sa pagmamanok; at maaring manalo sa libreng paraffle buwanbuwan.

.

Premium Bloodlines
Click images below for details

What will be the standards

of the fighting rooster

of the future?

 

The Peruvian is getting popular in the Philippines. It is a different kind of rooster. It is much bigger, much taller, much stronger, although not necessarily better than the American Game fowl.

 

Definitely the Peruvian game fowl will change the standards of the future. In some instances it will tremendously improve the present bloodlines. On the other hand it could also ruin many good bloodlines of today.

 

The Peruvian has a couple of good traits vital to winning Long Knife fights. But it also has more bad traits. Finding out which are good and which are bad is the challenge.

 

We think just enough Peruvian blood is good. Too much Peruvian blood is bad.

 

We are trying to balance it out. Check out the PERUBLIZ.

 

 

Recent Posts
Archive
bottom of page