Pagpatuktok o pointing
Pagpatuktok o pointing ay ang huling yugto sa pagkundisyon. Pinili na natin ating ilalaban at ipatuktok sa araw ng laban. Ang hangad natin ngayon ay walang iba kung hindi ang maabot ng manok ang tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa oras mismo ng laban.
Dito nakasalalay ang lahat. Kung magkamali tayo sa panahong ito, maaring masayang lang ang lahat nating pinagpaguran. Sisikapin nating maabot ang ating layunin pamamagitan na pahinga, stress management, at quick energy boosting. Sa puntong ito, hindi lang ang kaalaman sa pagpatuktok ang kailangan kung di pati na ang kaalaman sa pagkilala kung ang manok ay nasa tuktok na.
May mga palatandaan kung ang manok ay nasa tuktok na. Una ay ang ipot. May apat na klaseng ipot. Ang intestinal dropping. Ang buong ipot na berde at may halong puti. Ibig sabihin nito may laman pa ang bituka ng manok. Ang pangalawa ay ang cecal dropping. Malapot na kulay tsokolate. Ang pangatlo ay ang urate dropping. Puti na parang bula ng sorbetes. Paliit ng paliit ito. At pag maliit na ito, masasabi na ang manok ay nasa tuktok. Ang pangapat na uri ng ipot ay ang moisture dropping. Ito’y parang malagkit na likido na kulay puti. Sa umpisa kung maliit pa ito ay maituturing na nasa kundisyon pa ang manok. Ngunit, ang moisture dropping ay palaki ng palaki at ito’y senyales na di maglaon ay mag off na o lalampas na ang manok sa tuktok.
Marami pang ibang palatandaan. (To read more request for complete article. Free to members of Gamevitz Suregain Club. Be a member now.)