top of page

Simpleng ehersisyo at simpleng pakain

poster_from_postermywall8.jpg

Hindi natin kalian man matuturuan ang manok kung paano lumaban. Hindi matuturuan ang manok na dapat ay umangat siya o mag-abang o kayay paluin ang kalaban kaagad pagdating sa ibaba. (Mga natural supplements bagay sa simpleng kundisyuining)

Ang mga ito ay likas na nasa manok dahil ang mga ito ay nasa genes at wala sa training. Ang magagawa lang natin ay ang panatilihin o kaya’y bahagyang paigtingin ang mga kakayahang ito.

May mga sabungero na sa hangarin na maging “super” ang kanilang mga panabong ay binabatak ito ng husto sa training. Ang iba naman ay binibigyan ng steroids, hormones, stimulants at kung anu-anong uri ng artipisyal na conditioning aids.

Subalit ang napag-alaman ko galling sa mga master cockers ay walang uri ng training o droga na makakapagpapagaling sa isang mahinang manok. Sa halip, ang sobrang training at pagbigay ng droga ay maaari pang makasama sa isang sana ay magaling na manok.

Sa mahabang panahon ng aking pagmamanok, pagmamasid, pag-aaral, at pagtatanung-tanong, ay may nabuo akong prinsipyo sa paghahanda ng manok.

Sa palagay ko hindi dapat batakin ang manok . Simpleng ehersisyo at simpling pakain ay sapat na basta husto at sapat ang abilidad at kalidad ng manok.

Sa madaling araw ay nagpapailaw ako. Dalawa o tatlong beses isang lingo ay pinapalakad ko ang mga manok at sinasampi. Pagkatapos ay inilalagay ko sa scratch box bago balik sa cord.

Bandang tanghali ay inilalagay ko sa fly pens o conditioning pens. Pag hindi na mainit ay binabalik ko na ang mga ito sa cord.

Maliban lang kung may espesyal na pangangailangan, ganito lang kasimple ang aking pag-eersisyo sa manok.

Premium Bloodlines
Click images below for details

What will be the standards

of the fighting rooster

of the future?

 

The Peruvian is getting popular in the Philippines. It is a different kind of rooster. It is much bigger, much taller, much stronger, although not necessarily better than the American Game fowl.

 

Definitely the Peruvian game fowl will change the standards of the future. In some instances it will tremendously improve the present bloodlines. On the other hand it could also ruin many good bloodlines of today.

 

The Peruvian has a couple of good traits vital to winning Long Knife fights. But it also has more bad traits. Finding out which are good and which are bad is the challenge.

 

We think just enough Peruvian blood is good. Too much Peruvian blood is bad.

 

We are trying to balance it out. Check out the PERUBLIZ.

 

 

Recent Posts
Archive
bottom of page