Paghanda para sa hakpayt
Paghahanda sa hakpayt
Ang paghahanda ng manok ay halos katulad lang kung sa derby o sa hackfight ito ilaban. May kaunting kaibahan lang pagdating sa pagpatutok o pointing. Ang pagkakaibang ito ay mangyayari lang sa araw ng laban.
Ang mga ito ang tandaan:
1.Sa hackfight dahil inuulot ang manok, hindi ito mapapahinga tulad ng sa derby kung saan naghihintay lang tayo na tawagin ang laban. Kaya mahalaga na bihasa sa pag hawak ang handler upang hindi ito masyadong mahapo.
2.Hindi dapat pagaanin o patuyuin ang katawan ng manok kung sa hackfight ilalaban. Dahil mainit sa ulutan at ang kamay ng handler na palaging may hawak ng manok ay may init din.
3.Ang pagpakain ay dapat untiunti dahil hindi natin alam kung kailan ito mailaban. Basta ang tandaan huwag ilaban ng busog. Huwag din sobrang gutumin.
4.Sa hackfight mas mahalaga ang mga quick acting energy aid tulad ng mga pakain na mataas ang glycemic index, at mga suplemento tulad ng glucose at Reload at Voltplex. Dahil wala ngang pahinga ang manok, nangangailangan ng enerhiya na pangpalit sa nagamit habang ito ay inuulot. Kailangan nito ang glucose, ribose at creatine.
5. Huwag ilagay sa madilim na kulungan. Ang biglang liwanag galing sa dilim at ang panibagong kapaligiran sa ulutan ay maaring maging sanhi ng di napapanahong adrenaline rush at maagang pagtuktok. Kahit sa hakpayt, gamitin pa rin ang prinsipyo ng stress management.
Photo from My Sarisari Store website.